Walang processing fees ang SeekCap. Hindi kailanman magpapatransfer ng processing fees ang SeekCap. Lahat ng fees sa iyong business loan ay kokolektahin mula sa inyo ng inyong napiling lender via automatic bank debit arrangement o post-dated check.
Upang makaiwas sa mga ganito, basahin din ang mga tips na ito:
1. Mag-ingat din sa mga fake emails na galing umano sa SeekCap katulad na lamang ng nasa larawan.
Palaging i-check ang sender at ang nilalaman ng email. Kung ito ay kahina-hinala, huwag magdalawang-isip na i-send ito sa support@seekcap.ph o sa aming Facebook page (https://www.facebook.com/SeekCapPH/) upang ma-verify namin ito.
2. Maging maingat sa lahat ng inyong kini-click at huwag ring basta-bastang mag-share ng inyong impormasyon. Hindi kailanman hihingin ni SeekCap ang inyong username, password, OTP at ibang sensitibong impormasyon sa pamamagitan ng text, tawag, o email.
Comments
0 comments
Please sign in to leave a comment.