Wag mag-alala! Kung ibinalik ang iyong loan application, ito ay marahil sa isa sa mga dahilang ito:
1. Ang mga dokumento ay malabo at hindi nababasa.
2. Putol o hindi kumpleto ang dokumento.
3. Expired o outdated na ang mga dokumento.
4. Ang binigay na dokumento ay iba sa tinutukoy ng lender.
5. Mali ang pagkaka-upload sa dokumento.
6. Kulang ang mga nabigay na dokumento (halimbawa, pang tatlong buwan lamang ang naibigay na dokumento ngunit pang anim na buwan ang kailangan ng lender).
7. Ang mga litrato o dokumento ay walang relasyon sa iyong negosyo at sa mga produkto/ serbisyo na iyong binibigay.
Sundin ang mga tips na ito upang makasigurado:
1. Kumuha ng maliwanag na litrato ng iyong negosyo at mga dokumento. Dapat walang mga anino lalo na sa mga dokumento na iyong ini-uupload.
2. Ang mga nakalagay sa dokumento ay malinaw at nababasa.
3. Basahin nang maigi ang mga instructions. Kung itinakda na "3 months' worth" ang kailangang ibigay na dokumento, siguraduhing pang tatlong buwan na dokumento ang ibibigay.
4. Siguraduhing bago ang mga dokumento at hindi pa ito expired.
5. Kung maaari, kumuha ng mga litrato na may pangalan ng iyong negosyo at nagpapakita ng kung ano ang mga produkto at serbisyo na iyong inihahandog.
Comments
1 comment
Hi ma'am sir how can't I avail this loan to your company what document you need
Please sign in to leave a comment.